ISANG TULA NG PAMAMAALAM

Siguro nga’y lahat naman tayo ay nagulat sa biglaang pagpanaw ni former Senator Miriam Defensor-Santiago. Oo, mabilis at masakit, pero siguro masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.

Hindi ko man ito forte pero ako’y nagtangkang mag-alay ng isang tula para kay MDS.

Ere na…

Isang Tula ng Pamamaalam

ni Danica Tanjutco

“Mahal, paalam,” sambit ng pusong sawi.

Siya ring sambit ng ‘yong iniwang Bayan.

“Hanggang sa tayo’y magkitang muli.”

Ang pagpanaw mo’y masakit at madali,

Ngunit kung ika’y masaya’t nakangiti sa kalangitan,

“Mahal, paalam,” sambit ng pusong sawi.

Ika’y patuloy na lumaban hanggang sa huli,

Para sa sarili, pamilya’t Bayan.

Hanggang sa tayo’y magkitang muli.

Kay sarap isiping malaya ka nang muli,

Kahit kami’y nagluluksa, ngiti sa labi ay nariyan.

“Mahal, paalam,” sambit ng pusong sawi.

Kung sa’yong paningin kami ay nagkamali,

Nawa’y sa dulo’y nahanap mo ang siyang kapatawaran.

Hanggang sa tayo’y magkitang muli.

Aking bibig ay walang nasabi kun’di,

“Pasensiya na sa aming pagkukulang at kasalanan.”

“Mahal, paalam,” sambit ng pusong sawi.

Hanggang sa tayo’y magkitang muli.

P.S. Sa mga propesor ko sa Malikhaing Pagsulat, ‘wag niyo na pong i-critique ang tula ko, hahaha!

“I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.”

2 Timothy 4:7 NIV

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s