ANG NAWAWALA

Eleksyon na naman! Todo kampanya na ang mga kandidato pati na rin ang mga supporters nila (ehem, guilty ako sa pangalawa). Todo na rin ang pambubulabog ng mga pulitikong nagpapatugtog ng mga malalakas na campaign jingles na panira sa siesta. Tatlong araw na lang at muli na naman tayong maghahalal ng mga bagong lider na mamumuno sa ating minamahal na Pilipinas. Sigurado na ba kayo sa mga kandidatong iboboto ninyo? Ako, sigurado na ako sa Presidenteng iboboto ko. Miriam Defensor-Santiago all the way! Sa Vice President, undecided pa rin ako pero malamang sa malamang ay si Leni Robredo. Sa mga Senador, hindi ko pa naililista pero mayroon na, at ilan dito ay sina Joel Villanueva, Neri Colmenares, Dick Gordon, at iba pa.

Pero maiba naman tayo, i-set aside muna natin ang ating mga personal na paniniwala at desisyon sa buhay. Alam mo ba kung gaano kalaking impact ang magagawa ng pagboto na gagawin mo sa darating na Lunes, ika-9 ng Mayo, 2016? Gusto ko lang sanang ipaalala na ang paggawa na tama at ang pag-iingay ng mga kandidatong ihahalal natin ay hindi natatapos sa kani-kanilang pagkapanalo. As a matter of fact, ang kanilang pagkaluklok sa puwesto ay ang pagsisimula pa lamang ng totoong laban dahil anim na taon nilang kinakailangang ilagay ang pangangailangan ng masang Pilipino bago ang mga personal nilang pangangailangan.

Napapansin ko lang sa bawat social networking site o mapa-personal mang pag-uusap na sa tuwing nagdedebate ang mga suporters ng iba’t ibang kandidato ay G na G silang ipagtanggol ang mga kandidatong pinaniniwalaan nilang makakabuti para sa ating bansa. Minsan G na G tayong ipagtanggol ang mga kandidato dahil ‘yung ibang supporters ay sumasalungat sa sarili nating prinsipyo at paniniwala. G na G tayo sa pagsagot sa social media ngunit hindi natin alintana na mayroon palang nawawalang factors sa eleksyon ngayon. Ito ay ang disiplina sa sarili at ang pagmamahal sa Bayan.

Bilib na bilib tayo sa mga kandidatong tumatakbo ngayong halalan, paniwalang-paniwala tayong kayang-kaya nila tayong iahon sa kahirapan, asang-asa tayo na mabibigyan tayo ng magandang buhay pero tayo’y gumising sa katotohanan. Hindi nila hawak ang buhay natin. Tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Kung kaya ngang pulbusin ng kandidatong gusto mo ang mga kriminal sa tatlo hanggang anim na buwan pero hindi ka naman marunong magtapon ng basura sa tamang basurahan, wala rin. Kaya ngang magbigay ng mga trabaho para sa milyung-milyong Pilipino pero hindi ka naman nagpapasa ng resume, wala rin. Kaya ngang paluwagin ng magiging Presidente ang EDSA ngunit hindi ka naman tumatawid sa tamang tawiran, wala rin. Nasasa’tin ang tunay na pagbabago, hindi lang natin nare-realise ‘yon kasi fan na fan tayo ng mga superheroes. Akala natin superheroes itong mga kandidatong ito na ililigtas tayo sa kapahamakan, ganern. Pero hindi. Sila lamang ang nasisilbing ulo sa ating gobyerno, pero katulad ng isang katawan, hindi ito magfa-function ng ulo lang dahil kailangan ng kamay, paa, at iba pa.

Ang disiplina sa sarili ay konektado sa pagmamahal sa Bayan. Dahil kung mahal mo ang sarili mong Bayan, bakit mo hahayaan ang sarili mong magtapon ng basura kung saan saan? Bakit mo ipapabungkal ang lupa sa bawat sulok ng Pilipinas para ayusin ang mga kalsadang maayos naman, at nakaka-hassle lang sa mga tao? Bakit napakaraming gustong mag-abroad at iwanan ang Bayan? Simple lang, dahil hindi mahal ng mga Pilipino ang Pilipinas. That’s the sad truth.

I was just having a dialogue with my best friend a while ago about the upcoming elections and I realised na oo nga, mahal ko ba talaga ang Pilipinas? Oo, mahal ko ang Bayan ko. Sana kayo rin. Sana sa darating na halalan ay maging wise tayong lahat sa pagpili ng mga kandidato dahil hindi lang kinabukasan mo ang nakasalalay dito kun’di pati ang kinaabukasan ng mga anak mo. Sana maging mapagmasid at mag-isip ng mabuti. Ang sasabihin ko lang ay #POWERSWITCH2MIRIAM na! Char! Sana lang ay maging maayos at malinis ang halalan ngayong taon dahil deserve naman ng Pilipinas ang isang malinis na eleksyon at mga lider na kayang maging examples para mas mapamahal ang mga Pilipino sa Bayan. Do I make sense? I hope so.

Sa darating na eleksyon, kung sino man ang sa tingin mong tama at mapapabuti para sa Bayan ay siyang iboto mo. Sana mag-isip muna bago bumoto at sana’y ipagdasal natin ang Pilipinas.

“For many are called, but few are chosen.”

Matthew 22:14 ESV

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s